Arestado ang isang High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation ng Cagayan De Oro City Police Station 8 sa Barangay Bayanga, Cagayan de Oro City nito lamang Agosto 7, 2024.
Kinilala ni Police Colonel Salvador N Radam, City Director ng Cagayan de Oro City Police Office, ang naarestong suspek na si alyas “Mariechu”, 44 taong gulang, at residente ng Park Area, Wao, Lanao del Sur.
Sa ikinasang operasyon ay nakumpiska ang nasa 60 gramo na hinihinalang shabu na may tinatayang street value na Php408,000 at Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.
Ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay patuloy sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga. Ito ay alinsunod sa isa sa pangunahing prayoridad ng administrasyon na labanan ang mga sindikato ng droga sa pamamagitan ng pagpigil sa kanilang mga ilegal na aktibidad at pagbuwag sa kanilang mga operasyon.