Sa isang mabilis na operasyon ng kapulisan ay naaresto ang dalawang suspek sa Barangay Girado-Magsaysay, Guimbal, Iloilo nito lamang ika-5 ng Agosto, 2024 bandang alas-7:30 ng gabi dahil sa isang insidente ng pamamaril na naganap sa isang “talipapa” o pamilihan sa Barangay Baldoza, La Paz, Iloilo City ng umaga sa kaparehong araw.
Kinilala ni Police Colonel Kim Legada, City Director ng Iloilo City Police Office, ang biktima na si Ernie Poral y Nacis, 64 taong gulang, may asawa, dating Barangay Capataon ng Barangay Ingore, Lapaz, Iloilo City at residente ng nasabing Barangay.
Ang mga suspek naman ay nakilalang sina alyas “Nilo”, 38 taong gulang, may asawa, at hindi nakapagtapos ng high school at alyas “Jerson”, 36 anyos, isang construction worker at high school graduate, parehong mga residente ng Barangay Egcocolo, Guimbal, Iloilo.
Ayon kay PCol Legada, nahuli ang mga suspek sa isinagawang follow-up at hot pursuit operation kasama ang isang testigo, sa pagtutulungan ng mga tauhan ng City Intelligence Unit, Iloilo City Police Station 2 (ICPS2), at Iloilo City Mobile Force Company, pati na rin ang tamang koordinasyon sa Guimbal Municipal Police Station.
Narekober mula kay alyas “Nilo” ang isang caliber .38 pistol na may mga bala, isang brown na wallet, at isang pirasong foam na ginamit bilang improvised tooter. Siya ay nahaharap sa kasong Murder, paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.
Samantala, sinubukan ni alyas “Jerson” na pigilan ang mga arresting officer sa kanilang operasyon na siyang haharap sa kasong Obstruction of Justice.
Ang mabilis at epektibong aksyon ng mga kapulisan sa Iloilo City ay nagpakita ng kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad tungo sa mas ligtas at mapayapang Bagong Pilipinas.