Nasabat ng mga miyembro ng Talomo Police Station ang mahigit Php1.2M halaga ng YS na brand ng sigarilyo nito lamang Agosto 6, 2024 sa isang inabandona na Bunkhouse sa Purok 4-B, Matina Pangi, Davao City.
Kinilala ni Police Major Genesis P Oriel, Acting Station Commander ng Talomo Police Station, ang suspek na si alyas “Mark”, 43 anyos at residente ng naturang lugar.
Ang suspek ay naaresto sa isinagawang joint operation ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng nasabing istasyon, CIU, CSOG at RIU 11 at narekober mula sa suspek ang 101 na ream ng YS na sigarilyo na nagkakahalaga ng Php1.2 milyon.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10643 o “The Graphic Health Warnings Law” ang suspek.
Samantala, ang Police Regional Office 11 sa pamumuno ni Regional Director Police Brigadier General Nicolas D Torre III ay patuloy na pinapaigting ang laban kontra kriminalidad sa layuning mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon onse.
Panulat ni Patrolwoman Shairra Rose A Aquino