Mahigit isang siglo ng Pambansang Pulisya, ipinagdiriwang

0
675

CAMP RAFAEL T CRAME—Ngayong araw ay ipinagdiriwang ang ika-sandaan dalawampu’t tatlong anibersaryo ng pagkakatatag ng pambansang pulisya ng Pilipinas na may temang “Sa Bagong Pilipinas, ang Gusto ng Pulis Ligtas Ka!” sa punong himpilan nito sa Kampo Crame sa Lungsod ng Quezon.


Ang nasabing pagdiriwang ay sinimulan ng isang misa pasasalamat na ginanap sa St. Michael Chapel ng naturang kampo na siya namang dinaluhan ng iba’t ibang kapulisan mula sa iba’t ibang tanggapan ng ahensya.


Kasalukuyan namang nagaganap ang isang programa na nagsimula dakong ika-9 ng umaga kung saan mismong ang pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang panauhing pandangal.


Daan daan ang nakikiisa sa nasabing pagdiriwang, kabilang na ang kalihim ng Department of Interior and Local Government na si Atty. Benjamin Abalos Jr. at iba pang matataas na kawani ng gobyerno kaya naman nakaalerto ang lahat ng kapulisan at mga bomb-sniffing dogs.


Samantala, magkakaroon din ng “PNP Frontline Services Caravan” na kung saan ang mga dumalo ay maaaring kumuha ng kanilang mga kinakailangang dokumento mula sa Land Transportation Office, Philippine Statistics Authority, Commission on Elections, at Department of Foreign Affairs.