Nagsagawa ng dalawang araw na Awareness Lecture patungkol sa Project Patrolling and Response Operation Training to Empower CVOs and Tanod (P.R.O.T.E.C.T.), ang mga tauhan ng Taguig City Police Station sa Ligid- Tipas Barangay Hall sa Taguig nito lamang Sabado, Agosto 3, 2024.
Ang aktibidad ay naisagawa sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Christopher F Olazo, Acting Chief of Police ng istasyon at sa aktibong partisipasyon ng mga Advocacy Support Groups.

Nakapaloob sa pagtuturong ito ang komprehensibong paksa sa mapanganib na ipinagbabawal na droga, elemento ng Krimen at Basic Incident Report Writing, Citizen’s Arrest, Arrest, Search and Seizures, Miranda Doctrine, at ang batas sa pagdadala at pag-iingat ng baril, Responder and Crime Scene Preservation mula sa SOCO, Taguig, Basic Self Defense at iba pang mga batas na maaaring makatulong sa kanilang pagtatrabaho.
Naglilikha ang pagsasanay na ito ng isang progresibong pamayanan upang mabigyang seguridad at proteksyon ang ating mga kababayan sa anumang uri ng kriminalidad. Ang mga kaalamang naibahagi ng PNP ay magiging armas ng ating mga CVOs at mga Barangay Tanod sa kanilang mga lugar.
Source: Taguig City Police Station
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos