Monday, April 28, 2025

100 Mag-aaral sa Abulug, benepisyaryo ng Community Outreach Program ng 2nd CPMFC

Inspirasyon at pag-asa ang hatid ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company sa 100 na mag-aaral na benepisyaryo sa isinagawang Community Outreach Program sa Barangay Lucban, Abulug, Cagayan noong ika-3 ng Agosto 2024.

Ang mga mag-aaral ay nakatanggap ng iba’t ibang school supplies, payong, lagayan ng tubig, at iba pang gamit sa eskwelahan.

Bukod sa pamamahagi ng mga kagamitan, nagkaroon din ng mga masayang aktibidad gaya ng sayawan, kantahan, at palaro na may kasamang premyo.

Nagsagawa rin ng isang feeding activity na kung saan ang mga mag-aaral ay nagkaroon ng pagkakataon na magkasama-sama sa isang masiglang kainan.

Samantala, labis naman ang pasasalamat ng mga magulang at mag-aaral sa biyayang kanilang natanggap. Ayon sa kanila, ang ganitong mga programa ay nagdudulot ng inspirasyon at pag-asa na magpursigi sa buhay.

Ang outreach program na ito ay isang patunay na ang simpleng pagkilos ng pagmamalasakit ay may kakayahang magdulot ng malaking pagbabago sa buhay ng mga bata.

Ang 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company ay patuloy na magsisilbing haligi ng suporta at inspirasyon sa komunidad, na nagtataguyod ng kabutihan at pagkakaisa para sa mas maunlad at ligtas na Bagong Pilipinas.

Source: 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company

Panulat ni Pat Desiree Canceran

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles