Tiklo ang isang menor-de-edad sa kasong Sexual Abuse sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Barangay Santiago, Iligan City nito lamang Agosto 4, 2024.
Kinilala ni Police Captain Reiner R Escalante, Officer-In-Charge ng Iligan City Police Station 1, ang suspek na isang 16 anyos na residente ng nasabing lugar.
Bandang 10:59 ng umaga nang ihain ng mga tauhan ng WCPD – Iligan City Police Station 1 sa suspek ang Warrant of Arrest sa kasong Sexual Abuse na may piyansang Php200,000.
Ang Iligan City PNP ay hindi tumitigil sa pagsasagawa ng mga operasyon para mahuli ang mga nagkasala sa batas para mapanatiling payapa at ligtas ang nasasakupang komunidad.