Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng PeƱablanca Municipal Police Station sa mga mag-aaral ng Bical Elementary School sa Barangay Bical, PeƱablanca, Cagayan noong ika-3 ng Agosto 2024.

Katuwang sa aktibidad ang mga miyembro ng Pamahalaang Local ng PeƱablanca, 5th Infantry Battalion, mga miyembro ng Sierra Falcones Cagayan Chapter, mga guro ng nasabing paaralan, Barangay-Based Advocacy Support Group at Sangguniang Kabataan.
Tampok sa programa ang pamamahagi ng mga kagamitang pang-eskwela at feeding program sa nasa 200 na mag-aaral na naging benepisyaryo ng nasabing aktibidad.
Layunin nito na maglingkod at suportahan ang mga nasa marginalized na sektor ng lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyo at upang palakasin ang partnership at kooperasyon sa pagitan ng puwersa ng pulisya at ng komunidad.

Sa tulong ng mga programang tulad nito, patuloy na lumalakas ang pundasyon ng isang maayos at maunlad na pamayanan alinsunod sa programa ng ating Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa nagkakaisang Pilipino tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: PeƱablanca MPS