Arestado ng Antipolo PNP ang tatlong suspek na miyembro umano ng isang notorious na carnapping group sa magkahiwalay na operasyon sa probinysa ng Rizal nito lamang ika-1 ng Agosto 2024.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ryan Manongdo, hepe ng Antipolo City Police Station, ang tatlong suspek ay miyembro notorious na carnapping group at matagal na itong minamanmanan ng mga kapulisan dahil meron pang mga kinakaharap na kaso ang mga suspek tulad ng Theft at Murder.
Nasakote ang mga suspek sa iba’t ibang barangay sa Antipolo City sa bisa ng Warrant of Arrest dahil sa kasong Theft at Murder. Nahulian pa ang isa rito na may ilegal na droga na may timbang ng humigit kumulang 22 gramo ng shabu.
Hindi titigil ang Pambansang Pulisya sa pagtugis sa mga taong may kinakaharap na kaso para mapanagot ang mga ito at mabigyang hustisya ang mga biktima nito. Patuloy ang serbisyo publiko ng ating mga kapulisan upang matiyak ang ligtas, maayos at maulad na pamayanan na magsisilbing daan sa matiwasay na pamumuhay tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Maria Sarah P Bernales