Monday, May 19, 2025

Mababang Crime Rates ng Davao City, minanipula; dahilan ng pagkasibak ng Davao City PNP Officials – PBGen Torre

Minanipula ang crime statistics para palabasin na mababa ang crime rates sa lungsod ng Davao City. Ito ang naging pahayag ni Police Brigadier General Nicolas Torre III, Regional Director ng Police Regional Office 11, na naging mabigat na dahilan nang pagkakasibak ng ilang mga opisyal at pagpapalitan ng station commanders noong nakaraang buwan sa Davao City nito lamang Agosto 1, 2024.

Nabatid na iprinisenta ni PBGen Torre III, ang dalawang blue blotter na nanggaling sa Calinan Police Station sa kanyang nakagawian na blotter validation. Ang isang naka-hard bound ay nakasulat-kamay sa mga nangyayaring krimen sa araw-araw.

Isa sa nakitang pagkakaiba ay ang pangyayari noong Marso 4, 2024 na ang ulat ay “lost item” na dapat sana ay naitala bilang “theft”.

“Hindi na naisama sa records ng crime statistics dahil ang nakalagay ay lost item. Peru kung babasahin mo ang nakasulat ay pinaniniwalaan na ito ay ninakaw sa loob ng Beer Plaza malapit sa Jollibee Calinan… sa kabila ng pagsisikap na hanapin ang nawawalang bagay, peru hindi na ito makita. Ito ay malinaw, na pinaniniwalaan na ninakaw ngunit hindi iyon naitala”, saad ni PBGen Torre.

Ang maramihang entry sa naturang blue books ay alin man sa hindi tumpak na inuri bilang mga krimen o minarkahan bilang “for record only”, na nagpapahiwatig na inilagay sa naturang blue book para lamang sa dokumentasyon at hindi iuulat bilang actual na krimen.

“Yan ang literal na half-truth”, dagdag ni RD Torre.

Ang blotter validation ay isang regular na mekanismo na ginamit ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas, upang i-verify ang mga naiulat na kaso, na isinagawa at ipinatupad rin ni PBGen Torre sa Davao City, pati na rin sa panunungkulan sa Metro Manila upang maiwasan ang anumang potensyal na pagtatakip.

 “Ang bottom line, hindi tama ang numero na pinagrereport ng ating mga station commanders na pinagpapalitan ko, and because of that hindi magiging tama ang programa na i-impelement natin,” dagdag pa ni PBGen Torre.

Walang anumang hangad si PBGen Torre sa pagsibak sa mga opisyal ng Davao City at pagpapalit ng mga station commanders kundi masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan at ibigay ang tamang serbisyo para sa mga Davaeños.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles