Arestado ang Regional Top 8 Most Wanted Person ng Cebu na si Jeffrey Talisic Pepito a.ka. “Jonas” sa isinagawang operasyon ng kapulisan ng Police Station 8-Cebu City Police Office sa paligid ng Office of the Provincial Prosecutor, M. Velez Street, Barangay Capitol, Cebu City noong ika-5 ng Pebrero 2022.
Si Pepito a.ka. “Jonas” na 30 taong gulang, walang trabaho, at residente ng Barangay Lipata, Minglanilla ay humaharap sa mga kasong Murder at Frustrated Murder.
Siya ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ni Lucila Martinez Cad Enjambre, Presiding Judge ng Regional Trial Court, 7th Judicial Region, Branch 89, Mandaue City, Cebu, na docketed under Criminal Case Number DU-48137 and DU-48138, mga kasong walang piyansa.
Ang nasabing akusado ay nasa pangangasiwa na ng Police Station 8-Cebu City Police Office upang sumailalim sa tamang dokumentasyon at disposisyon.
####
Galing ng mga kapulisan salaudo
Congratulations Police Station 8-Cebu City Police Office for a great accomplishment.
Congratulations PNP for a great accomishment