Walang kawala sa pulisya ang isang Most Wanted Person na may kasong Frustrated Homicide sa Barangay Guinobatan, Calapan City, Oriental Mindoro noong ika-30 ng Hulyo 2024.
Ang suspek ay kinilalang si alyas Jomar, 31 taong gulang, isang vendor, at residente ng Sitio Bulalo, Calapan City, Oriental Mindoro.
Ang suspek ay naaresto ng mga tauhan ng Calapan City Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Frustrated Homicide na may kaukulang piyansa na Php72,000.
Ang matagumpay na operasyon ay nagpapakita ng patuloy na pagsusumikap ng mga awtoridad na hulihin ang mga indibidwal na may kinakaharap na mga kaso sa batas. Ang mabilis at maayos na pag-aresto sa suspek ay isang patunay ng determinasyon ng pulisya sa pagsunod sa mandato na panatilihin ang kaayusan sa komunidad.
Source: Calapan City Police Station
Panulat ni Patrolwoman Desiree Padilla