General Rommel Francisco D Marbil, Hepe ng Pambansang Pulisya, piniling tugunan nang maagap ang ‘open letter’ sa kanya ni Bise Presidente Sara Duterte kaugnay ng pagbawi sa kanyang 75 police security details noong Hulyo 22, kapareho ng araw ng Sona ni Marcos.
Sa isang press conference noong Martes, ika-30 ng Hulyo 2024, sinabi ni PNP Chief ng Public Information Office (PIO) Police Colonel Jean Fajardo na ayaw nang magkomento ni PGen Marbil sa usapin bilang paggalang kay VP Duterte.
“The Chief PNP opted not to answer na lang kung ano man ‘yung nabitawang salita ng ating Vice President, of course out of respect to our VP. Kung ano man itong mga usapin na ito, we rather address this silently,” pahayag ni PCol Fajardo.
Muli niyang iginiit na ang layunin ng recall ay upang mapanatili ang police visibility sa mga komunidad na binanggit na halos 600 police personnel, kabilang ang mga nakatalaga sa National Police Headquarters, ay inilipat sa National Capital Region Police Office.
Itinanggi rin ni PCol Fajardo na may casing operation laban kay Duterte. “Sabi ko nga ang ating Chief PNP ang mismong nakiusap na hayaan na lang natin na magtrabaho yung ating mga pulis at please, spare the PNP organization from these political issues and noise. Yun na lang para hindi na lamang humaba yung mga ganitong pinag-uusapan,” dagdag ni PIO Chief.
Gayunpaman, sinabi ni PCol Fajardo na nananatiling bukas ang linya ng PNP para sa anumang komunikasyon para maayos ang usapin.
Panulat ni Tintin