Tuesday, May 13, 2025

Php112K halaga ng shabu nakumpiska ng Taguig PNP; suspek, arestado

Tinatayang mahigit sa Php112,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit na nagresulta sa pagkakadakip sa isang lalaking suspek sa Barangay Sta. Ana, Taguig City nito lamang Lunes, Hulyo 29, 2024.

Pinangalanan ni Police Brigadier General Leon Victor Z Rosete, District Director ng Southern Police District, ang nadakip na suspek na si alyas “Jeorge”.

Sa operasyon, nasamsam ng mga alagad ng batas ang apat na heat-sealed transparent sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 16.6 gramo ang bigat at nagkakahalaga ng Php112,880, apat na puting disposable vape unit na puno ng hinihinalang cannabis oil, na tinatayang nagkakahalaga ng Php28,000, buy-bust money at isang brown coin purse.

Inihahanda naman sa suspek ang reklamo para sa paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang Pambansang Pulisya ay sisigaraduhing ligtas at protektado ang bawat mamamayan sa kamay ng mga sindikato ng ilegal na droga upang itaguyod ang kapayapaan at katiwasayan sa ating lipunan.

Source: SPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles