Capas, Tarlac (February 4, 2022) – Isinagawa ang Signing of Peace Covenant for Secure, Accurate, Free/Fair Elections (SAFE) 2022 sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Samuel Fernandez, Officer-in-Charge, Capas Municipal Police Station (MPS) kasama ang mga Armed Forces of the Philippines (AFP) at Local Government Unit (LGU) sa bayan ng Capas Municipal Covered Court, Brgy. Sto Domingo 2nd Capas, Tarlac noong Pebrero 4, 2022.
Layunin ng aktibidad na mapaghanda at mapagkaisa ang ibat-ibang ahensiya ng gobyerno, non-government organizations (NGOs) at religious sector upang makamit ang kapayapaan at kaligtasan ng mga mamamayan sa darating na Halalan 2022.
Hinihikayat din ang ating mga kababayan na sumuporta at makipagtulungan sa mga kapulisan upang maiwasan ang karahasan sa kanilang mga lugar sa nalalapit na Halalan.
Source | Capas Municipal Police Station, Tarlac Provincial Police Office
####
Panulat ni Police Corporal Jeselle V Rivera
Tagumpay salamat sa mga awtoridad