Antipolo City, Rizal (February 4, 2022) – Arestado ang Top 1 Most Wanted Person ng Antipolo City sa isinagawang joint operation ng mga operatiba ng Antipolo City Police Station at Provincial Intelligence Unit-Rizal 4A sa pamumuno ni Police Major Joey J. Custodio, sa Sitio Pulong Banal, Barangay San Jose, Antipolo City bandang 2:44 ng umaga ng Pebrero 4, 2022.
Kinilala ang suspek na si Ryan Dionio y Apatan, 35 anyos, may asawa at isang Lalamove rider.
Ang suspek ay may warrant of arrest sa salang pagpatay at walang nirekomendang piyansa.
Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya ng Antipolo City Police Station para sa dokumentasyon at disposisyon.
####
Panulat ni PEMS Joe Peter V. Cabugon, RPCADU 4A
Great Work salamat sa mga Alagad Ng Batas
Great Accomplishment