Matagumpay na nagtapos ang Salaam Community Police Course Batch 2024-01 Class “Maratabat” na ginanap sa Hinirang Hall, PC Hills, Apas, Lahug, Cebu City, noong ika-26 ng Hulyo 2024.

Ang aktibidad ay dinaluhan ni Onasis Omar Balt, Regional Director ng National Commission on Muslim Filipinos bilang Guest of Honor and Speaker.
Ang Class 2024-01 “Maratabat” ay binubuo ng 22 Police Non-Commissioned officer na nagmula sa iba’t ibang parte ng Central Visayas.

Tampok sa aktibidad ang pamimigay ng mga sertipiko at ang pagkabit ng US-DOJ ICITAP pin bilang simbolo ng kanilang matagumpay na pagtatapos.
Ang SCPC ay naglalayon na bumuo ng may kakayahan at maaasahang mga kapulisan ng Salaam na makikipag-ugnayan sa mga komunidad upang matiyak na ang kanilang mga alalahanin ay maayos na matutugunan dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng Pulis, ligtas ka!.
Panulat ni Pat Grace P Coligado