Monday, November 11, 2024

Menor-de-edad, tiklo sa pagpaslang kay Mamang Pulis

Wala nang buhay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng isang menor-de-edad habang pauwi na sana sa kahabaan ng P. Remedios Street, Brgy. Banilad, Mandaue, Cebu bandang 12:00 ng madaling araw nito lamang Sabado, Hulyo 27, 2024.

Kinilala ang namatay na si Police Staff Sergeant Orvin Seth Lim Felicio, nakatalaga sa Mandaue City Police Station 5.

Ayon sa ulat ng Mandaue PNP, nakita ni PSSg Felicio ang isang tanod na sinasaway ang isang grupo ng kabataan.

Bilang isang alagad ng batas, inusisa at tinulungan nito ang nasabing tanod. Sinita ang binatilyo dahil palaboy-laboy sa kalsada at pinayuhan na umuwi dahil hatinggabi na.

Imbes na sumunod ang grupo ng kabataan, biglang bumunot ang isang binatilyo ng baril at pinaputukan ng dalawang beses sa ulo si PSSg Felicio na dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Napag-alaman na ang binatilyo ay miyembro ng isang gang at edad 16.

Agad naman itong na korner ng pulisya sa hot-pursuit operation at nahaharap sa kasong Murder.

Samantala, nagdadalamhati ang buong hanay ng PNP sa pagkawala ng isang mabuti at responsableng pulis na hanggang sa huling minuto ng kanyang buhay ay ginampanan ang sinumpaang tungkulin na walang ibang hangad kundi ang kaayusan at kapayapaan sa ating pamayanan. Walang ibang hangad ang pulisya kundi ang kaligtasan ng publiko lalo na ang ating kabataan na pag-asa ng bayan.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,300SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles