Arestado ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng City Drug Enforcement Unit ng Valencia City Police Station sa Purok 10, Poblacion, Valencia City, Bukidnon nito lamang Hulyo 25, 2024.
Ang naturang operasyon ay naganap bandang 10:45 ng gabi at matagumpay na naaresto ang suspek na kinilalang si alyas “Tongol”, 45 anyos, walang asawa, negosyante, isang DI-Listed, at residente ng nasabing lugar.
Nakumpiska mula sa suspek ang pitong sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 43 na gramo at may Standard Drug Price na Php292,400, isang Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money at iba pang mga paraphernalia.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa pagpapaigting kontra ilegal na droga para sa seguridad at kaligtasan ng komunidad.