Balik-loob ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa tulong ng mga miyembro ng 2nd Zamboanga Del Norte Provincial Mobile Force Company at Godod Municipal Police Station nito lamang ika-25 ng Hulyo 2024.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Nes” (CTG Supporter Non-PSR Listed), miyembro ng Guerilla Yunit ng Partido (GYP) noong taong 2007 at nagsilbi bilang isang medical team, courier, look out at caretaker ng GF Feliciano A WMRPC.
Patuloy naman ang paghikayat ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng CTG na sumuko at gamitin ang tulong na iniaalok ng gobyerno sa pamamagitan ng E-CLIP at iba pang programa ng kasalukuyang administrasyon upang matulungang magkaroon ng bagong pananaw at mapayapang pamumuhay kasama ang kanilang pamilya.
Panulat ni Patrolwoman Joyce Franco