Friday, September 20, 2024

Occidental Mindoro MARPSTA, rumesponde sa pananalasa ng bagyo

Isang bangkang de-motor ang lumubog at nasira dahil sa malalakas na alon na dulot ng masamang panahon sanhi ng Severe Tropical Storm (STS) Carina sa Sitio Aroma, Barangay Tayamaan, Mamburao noong ika-23 ng Hulyo 2024.

Ang mga tauhan ng Occidental Mindoro Maritime Police Station (MARPSTA) at Mamburao Monitoring Post ay rumesponde sa isang insidente sa Sitio Aroma, Barangay Tayamaan, Mamburao.

Pinamunuan ni PCpl Gerbert R. Romano ang mga tauhan ng Mamburao Monitoring Post sa ilalim ng pangangasiwa ni PMaj Marlon C. Millendez, Station Chief.

Ang kanilang aksyon ay base sa ulat mula kay Hon. Marites P. Evangelista, isang Sangguniang Bayan Member ng Mamburao, na personal na nakipag-ugnayan sa kanila upang iparating ang insidente.

Agad na nagtungo ang mga tauhan ng MARPSTA sa lugar upang magbigay ng police assistance. Sa tulong ng mga opisyal ng barangay, mga mangingisda, at mga boluntaryong sibilyan, matagumpay na naihatid ang kinakailangang tulong sa mga apektadong residente. Nagsagawa rin sila ng pag-monitor sa lugar upang masiguro ang kaligtasan ng komunidad.

Nagbigay ng paalala ang mga awtoridad sa mga residente ng Barangay Tayamaan na maging maingat at alerto, lalo na sa pagmo-monitor ng mga ulat ng panahon.

Ang ganitong pag-iingat ay mahalaga upang maiwasan ang mga insidente at upang masigurong handa ang bawat isa sa oras ng kalamidad.

Natapos ang operasyon bandang alas-11:30 ng umaga sa parehong araw. Inaasahan ng mga awtoridad na patuloy na maging maingat ang mga residente sa harap ng mga banta ng kalamidad.

Source: Occidental Mindoro Maritime Police Station (MARPSTA)

Panulat ni Patrolwoman Desiree Padilla

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles