Nasabat ang tinatayang Php6,800,000 halaga ng shabu sa ikinasang joint illegal drug buy-bust operation sa Barangay Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nito lamang ika-23 ng Hulyo 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Esmael A Madin, Chief of Police ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Lon”, 30 anyos, drayber, residente ng Barangay Dalapang, Labangan, Zamboanga Del Sur.
Naging matagumpay ang isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Sultan Kudarat MPS katuwang ang Datu Odin Sinsuat MPS, 1st Provincial Mobile Force Company – Maguindanao del Norte PPO, 1404th Regional Mobile Force Battalion, Provincial Intelligence Unit – MDNPPO na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at pagkakakumpiska sa isang kilong pinaghihinalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php6,800,000, limang empty sack ng idol rice, limang bundle ng photocopied Php1,000 peso bill bilang buy-busy money, limang iba’t ibang ID cards, isang airfit sling bag, at isang yunit ng Toyota Vios.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng suspek.
Ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay patuloy sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga. Ito ay alinsunod sa isa sa pangunahing prayoridad ng administrasyon na labanan ang mga sindikato ng droga sa pamamagitan ng pagpigil sa kanilang mga ilegal na aktibidad at pagbuwag sa kanilang mga operasyon.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora J Agbuya