Dagsa sa Evacuation Centers ang karamihan sa ating mga kababayan nating apektado ng Bagyong Carina sa Barangay Rosario, Maybunga at Sta. Lucia sa Pasig City nito lamang umaga ng Huwebes, Hulyo 25, 2024.

Tiniyak ng mga tauhan ng Pasig City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Celerino M Sacro Jr, Chief of Police ng Pasig City, ang maayos at ligtas na kalagayan ng mga apektadong residente ng lugar.
Pinangunahan din nila ang pagbibigay ng security assistance sa mga evacuees na naapektuhan ng nasabing bagyo.

Patuloy naman ang pagsisikap at pamamahagi ng tulong ng Pasig PNP upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga tao sa gitna ng kalamidad.
Source: Pasig Cps
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos