Ang kapulisan ng San Andres Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Maj Robert Kevin T Caparroso, COP, ay nag-ikot sa coastal barangays sa Bayan ng San Andres, Catanduanes.
Layunin nito na paalalahanan at masigurong ligtas ang komunidad sa banta ng sungit ng panahon na dulot ng Bagyong Carina at hanging habagat na nararanasan sa ngayon.
Kabilang sa naging aktibidad ay ang pamamahagi ng IEC materials na naglalaman ng Safety at Crime Prevention Tips kasabay ng pakikipagdiyalogo upang mapaalalahanan ang mga mangingisda na huwag nang subukang pumalaot para maiwasan ang anumang sakuna.
Nabigyan din ng paalala ang mga residente na lumipat muna sa mas ligtas na lugar at huwag ng hintayin pang abutin ng dagat ang kanilang kabahayan.

Sa muli, hinikayat ang komunidad na aktibong makiisa sa kampanya kontra kriminalidad kabilang na ang kampanya kontra ilegal na droga at terorismo sa pamamagitan ng pagbigay ng napapanahong impormasyon sa mga otoridad para sa agarang solusyon at mapanagot ang sinumang lumalabag sa batas.