Nakiisa ang mga tauhan ng Bislig City Police Station sa isinagawang Brigada Eskwela 2024 Kick-off Ceremony sa Mangagoy Central Elementary sa Barangay Mangagoy, Bislig City, Surigao del Sur bandang 2:30 ng hapon nito lamang Hulyo 22, 2024.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Executive Master Sergeant Francisco O Abao, Beat Patrol PNCO sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Magdalino G Pimentel Jr., Acting Chief of Police, katuwang ang mga guro ng Mangagoy Central Elementary, mga magulang ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.

Ayon kay PMaj Pimentel, ang naturang aktibidad ay may temang “Bayanihan para sa Matatag na Paaralan” na naglalayong mabigyan ng ligtas at malinis na paaralan ang mga mag-aaral.

Layunin ng aktibidad na magbigay ng tulong at suporta upang siguruhing ligtas, maayos, at handa ang mga pasilidad ng paaralan para sa mga mag-aaral.
Patuloy ang Bislig PNP sa pakikilahok sa ganitong aktibidad hindi lamang sa nalalapit na pagsisimula ng klase, kundi nagtataglay din ito ng makabuluhang mensahe ng pagkakaisa, pagpapahalaga sa edukasyon, pangangalaga sa kapaligiran, at pagpapalakas ng kamalayan sa kaligtasan tungo sa isang ligtas na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Karen Mallillin