Monday, October 28, 2024

Holdaper, arestado sa Antipolo City, Rizal

Antipolo City, Rizal (February 2, 2022) – Dalawang (2) holdaper ang naaktuhan, ang isa ay arestado habang ang isa ay pinaghahanap pa ng awtoridad sa Antipolo City, Rizal noong Pebrero 2, 2022 bandang 11:38 ng umaga.

Nakasakay sa motorsiklo ang mga suspek noong magdeklara ng holdap ang mga ito habang nakatutok sa biktima na si Jasvir Jalaf y Ram ang kanilang mga baril.

Dahil sa takot ay humingi ng tulong ang biktima sa mga nakatambay sa nasabing lugar at sa di kalayuan ay nakatanaw na pala si Patrolman Lemuel Romualdo, tauhan ng PNP AVSEGROUP, residente rin ng naturang lugar na noon ay naka off-duty.

Agad na rumesponde si Patrolman Romualdo at kinompronta ang mga suspek, isa sa mga ito ay tinutok ang baril sa kanya at kinalabit ng ilang beses ang gatilyo na dahilan ng pagputok ni Patrolman Romualdo. Binato ng mga suspek ang kanilang mga baril at tumakbo ang isa sa mga ito (aka Jover Dela Cruz) habang ang kasama niya na si Marlon Cruz ay naaresto.

Nakuha naman ang dalawang (2) baril na ginamit sa panghoholdap.

Agad na nakipag-ugnayan si Patrolman Romualdo sa Antipolo City Police Station para sa disposisyon ng naturang insidente at patuloy naman na nagsasagawa ng manhunt operation para sa suspek na nakatakas.

####

Panulat ni PSSg Jerome Discion

3 COMMENTS

Comments are closed.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,290SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles