Nasakote ng pulisya ang tinaguriang Top 7 Regional Most Wanted Person na may kasong Rape sa Barangay 10, Guiuan, Eastern Samar nito lamang ika-19 ng Hulyo 2024.
Kinilala ni Police Major Jose A Tiu, Jr., Officer-In-Charge ng Guiuan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Vic”, 44 anyos, construction worker at residente ng Barangay Camparang, Guiuan, Eastern Samar.
Bandang 12:30 ng umaga ng maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Guiuan Municipal Police Station kasama ang Eastern Samar Police Provincial Office-Provincial Intelligence Unit, 2nd Eastern Samar Provincial Mobile Force Company at Crime Investigation and Detection Group, Eastern Samar Provincial Forensic Unit.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape Through Sexual Assault in relation to Republic Act 7610 na may piyansa na Php200,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa pagsugpo sa mga nagkasala sa batas upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa ating bansa.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian