San Mateo, Rizal (February 3, 2022) – Tiklo ang tatlong (3) tulak ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng pinagsamang operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Rizal Police Provincial Office at San Mateo Drug Enforcement Team/Intelligence Operatives ng San Mateo Municipal Station hapon ng ika-3 ng Pebrero ng taong kasalukuyan.
Nasamsam sa mga suspek ang may kabuuang 1.1 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Dangerous Drug Board value na Php7,480,000.
Kinilala ang mga suspek na sina Dierick Dela Cruz, 24 taong gulang na residente ng Marikina City; Jeffrey Dimaano y Javier, 29 taong gulang na residente ng San Mateo, Rizal; at Jeffrey Dalaodao y Del Rosario, 35 taong gulang na residente ng San Mateo, Rizal.
Dinala sa San Mateo MPS ang mga suspek upang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 or Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 dahil sa pagtutulak ng pinagbabawal na droga.
####
Panulat ni Patrolman Noel Lopez
Good job s ating mga alagad ng batas