Boluntaryong sumuko sa mga kawani ng Ilocos Sur Police Provincial Office ang isang dating tagasuporta ng Communist Terrorist Group, partikular ng KLG Sandino nitong Lunes, ika-15 ng Hulyo 2024.
Kinilala ni Police Colonel Darnell Dulnuan, Provincial Director ng Ilocos Sur Police Provincial Office, ang sumukong indibidwal na si alyas “Sotik”, 75 taong gulang at residente ng Sta. Lucia, Ilocos Sur.

Kasalukuyang sumasailaim ang nabanggit na indibidwal sa debriefing process pagkatapos ay magiging parte siya ng Barangay Information Network.
Ang pagsuko ng mga makakaliwang indibidwal sa gobyerno ay nagpapakita ng epektibong pagganap ng mga kapulisan ng kanilang mga tungkulin. Maaaring magdulot ito ng inisyal na kontrobersya ngunit maaari din itong magtampok ng positibong aspeto sa pag-unlad ng lipunan at pagkakaisa ng mga mamamayan.
Source: Ilocos Sur Police Provincial Office
Panulat ni PMSg Bader Ceasar Ayco