Nakumpiska ng pulisya ang hinihinalang ilegal na droga sa isinagawang Search Warrant Operation sa Purok 1, Barangay Sabang, Vinzons, Camarines Norte nito lamang ika-17 ng Hulyo 2024.
Sa operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Vinzons Municipal Police Station, PPDEU, CNPIU at RIU5 ay kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Rod”, 43 anyos, may asawa, T-shirt printing designer at residente ng Barangay Sabang, Vinzons, Camarines Norte.
Ang operasyon ay isinagawa sa bisa ng Search Warrant No. D-17-2024 sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang mga tauhan ng Vinzons PNP sa pagsasagawa ng mga operasyon na masawata ang mga taong lumalabag sa batas tungo sa tahimik at ligtas ng komunidad.
Source: Vinzons Municipal Police Station CNPPO
Panulat ni Pat Rodel Grecia