Arestado ang tatlong indibidwal sa isinagawang buy-bust operation ng Regional Police Drug Enforcement Unit 10 sa Purok 8, Barangay Casinglot, Tagoloan, Misamis Oriental nito lamang ika- 18 ng Hulyo 2024.
Kinilala ni Police Executive Master Sergeant Niel Conrad Gomez Abasolo, Team Leader ng RPDEU 10, ang naarestong mga suspek na si alyas “Lenra”, lalaki, 34 anyos, alyas “Manman”, lalaki, 50 anyos at si alyas “Lankan”, lalaki, 27 anyos pawang mga residente ng Datu Piang, Maguindanao.

Sa ikinasang buy-bust operation ng RPDEU 10 ay nagresulta ng pagkakakumpiska ng mahigit kumulang nasa 100 na gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang street value na Php600,000.
Kakaharapin ng mga suspek ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang laban kontra ilegal na droga ay patuloy na pinaigting ng PNP alinsunod sa economic agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad tungo sa maunlad na Bagong Pilipinas.