Boluntaryong nagbalik-loob ang isang supporter ng Communist Terrorist Group (CTG) sa himpilan ng Diplahan Municipal Police Station at 1st Zamboanga Sibugay Provincial Mobile Force Company sa Sitio Saca-on Purok Orchids, Barangay Guinoman, Zamboanga Sibugay nito lamang Hulyo 15, 2024.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Tasyo”, 62 anyos, supporter ng CTG sa ilalim ng Regional Urban Committee, Western Mindanao Regional Party Committee (WMRPC).
Nagsilbi rin si alyas “Tasyo” bilang isang courier, look out at caretaker ng CTG.
Ang pagbabalik-loob ng dating rebelde ay nagpapakita na ang ating gobyerno ay seryoso na wakasan ang insurhensiya at terorismo sa bansa upang makamit ang isang bayan na tahimik, mapayapa at maunlad tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Joyce Franco