Candelaria, Quezon (February 01, 2022) – Arestado sa manhunt operation ng Quezon PNP ang Top 4 Most Wanted Person (Municipal Level of Candelaria) dahil sa kasong child abuse sa kanyang tinutuluyan sa Sitio Sampaloc Lakers, Barangay Malabanan Norte, Candelaria, Quezon noong 10:30 ng gabi ng Pebrero 01, 2022.
Kinilala ang suspek na si Joel Alcantara Soliman, 33 anyos, single at factory worker na tumutuloy sa nasabing barangay.
Naaresto si Soliman sa bisa ng Warrant of Arrest na nilagdaan at inilabas ni Honorable Patricia Angeles R. Cataguiz-Fidel, Presiding Judge, Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 16, Sariaya, Quezon, noong Enero 7, 2022 sa paglabag sa Section 10(a) of Republic Act 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” na may Criminal Case Number 2011-816 at may piyansang Php80,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Ayon sa ulat ng Candelaria Municipal Police Station, nag-ugat ang warrant sa kanyang nagawang pang-abuso sa Barangay Pahinga Norte, Candelaria, Quezon noong taong 2011.
Nasa pangangalaga na ng Candelaria Municipal Police Station ang suspek at ihaharap sa kinauukulang hukuman para sa tamang disposisyon.
Samantala, pinuri naman ni Police Colonel Joel A. Villanueva, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) ang mga operating personnel sa matagumpay na pagkaaresto sa nasabing wanted person.
Ayon pa kay PCol Villanueva “Hinding-hindi titigil sa Manhunt Operation ang Quezon PNP. Patuloy kaming magsasaliksik sa bawat sulok ng probinsya at walang palalagpasin sa lahat ng wanted person.”
Ang buong Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay hinihikayat ang bawat isa sa komunidad na makiisa at sumuporta sa PNP upang maging mas epektibo ang lahat ng operasyon sa pagtugis sa mga taong nagkasala at mabigyan ng hustisya ang mga biktima.
#####
Panulat ni Pat Marvin Avila, RPCADU 4A
Galing tlga ng pulis salamat
Good job mga Sir at Mam. God bless po
God bless PNP