Nagsagawa ng 2-Day Practical Exercise on Basic Rescuer and Life-Saving Techniques ang mga tauhan ng Maritime Police Station – Misamis Oriental sa Barangay Bonbon, Cagayan de Oro City nito lamang Hulyo 14, 2024.
Ito ay sa pangunguna ni Police Captain Benito S Siddayao Jr., Hepe ng Maritime Police Station – Misamis Oriental, kasama ang Cagayan de Oro City Police Station 5 at mga Barangay Tanod ng Barangay Consolacion.
Sa naturang 2 araw na seminar ay nagkaroon ng practical exercise kung paano isagawa ang Basic Rescue at Life-saving Techniques ang mga kalahok.
Ito ay may layunin na bigyan ng kaalaman ang kalahok sa pagligtas ng buhay at maging sapat ang kahandaan sa mga darating na sakuna.