Davao City (February 1, 2022) – Pinangunahan ni PNP Chief, PGen Dionardo B Carlos ang inilunsad na Operation “Ngiting R-PSB” (Oplan Ngisi Para sa Kalinaw og Maayung Kaugmaon) ng Police Regional Office 11 sa naging pagbisita nito sa Camp Sgt Quintin M Merecido, Buhangin, Davao City, nitong Pebrero 1, 2022.
Ang paglunsad ay naisakatuparan sa pamumuno ni PRO 11 Director PBGen Filmore Escobal, kasama ang mga matataas na pamunuan ng PNP. Namahagi din ng schools supplies at health kits sa naunang limang benepisyaryo ng nasabing programa katuwang ang mga tauhan ng Camp Sgt. Quintin M. Merecido Hospital.
Kabilang dito ang mga mapalad na residente ng mga conflicted affected Barangays at Geographically Isolated and Disadvantage Areas o GIDAs kung saan dalawa (2) mula sa Kapatagan, Digos City, Davao del Sur; isa (1) sa Km. 31, Talaingod, Davao del Norte; at dalawa (2) naman mula sa Gupitan, Kapalong, Davao del Norte na pawang mula sa katutubong grupo.
Layunin ng naturang programa sa pangunguna ng mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay, na libreng mabigyan ng panibago at magagandang ngiti ang mga katutubo lalo na ang mga kabataang may cleff lip o bingot na hindi kayang ipagamot at ipaopera sa mga malalaking ospital na siya namang prayoridad ng nasabing aktibidad para sa kanilang mas magandang kinabukasan.
Pinapurihan din ni PNP Chief PGen Carlos ang malaking kontribusyon ng PRO 11 sa pagsugpo ng ilegal na droga lalo na ang programa ng R-PSB dahil sa magagandang proyekto nito at mga aktibidad para sa mga kababayan nating nasa GIDAS, na siya ring naglalapit ng mga serbisyo na mula sa gobyerno.
“Thank you so much for this kind of work that you are doing. You are not just doing this for the Philippine National Police and the administration, but you are doing this for our God. Pagpapaabot ng tulong sa mga nangangailangan is a manifestation of our daily worship to a true God,” papuri nito.
###
Panulat ni Police Corporal Mary Metche A Moraera
Godbless Team PNP salamat