Pinangunahan ni Police Brigadier General Jack L Wanky, Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 6, ang blessing at turnover ng mga bagong kagamitang pampulisya na ginanap sa Camp Gen. Martin Teofilo B Delgado, nito lamang umaga ng Martes, ika-9 ng Hulyo 2024.

Kabilang sa mga bagong gamit ay ang Ordnance Items, Patrol Jeep, at SRR Equipment.
Ang pagkakaroon ng mga makabagong kagamitan ay malaking tulong upang maging laging handa ang ating kapulisan sa anumang sakuna at mapabuti ang kanilang serbisyo publiko.

Buong puso ang suporta ng Philippine National Police sa ganitong mga inisyatibo na naglalayong itaas ang antas ng seguridad at kaligtasan ng bawat mamamayan.

Ang PNP ay patuloy na naglilingkod at nagsusumikap upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa ating komunidad, dahil sa bagong Pilipinas ang gusto ng pulis, ligtas ka.
Source: Pcadg Western Visayas
Panulat ni Pat Justine Mae Jallores