Timbog ang isang High Value Individual matapos magsagawa ng buy-bust operation ang Kidapawan City PNP sa Barangay Poblacion, Kidapawan City, North Cotabato nito lamang Hulyo 4, 2024.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Dominador L Palgan Jr., Chief of Police ng Kidapawan City Police Station, kinilala ang suspek na si alyas “Dong”, 39 anyos, binata, walang trabaho at residente ng nasabing lugar.
Ayon kay PLtCol Palgan, bandang 12:58 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang Kidapawan City Police Station katuwang ang Regional Mobile Force Battalion 12, at Regional Special Operation Group 12 .
Nakumpiska mula sa suspek ang walong pakete ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php29,545.
Patuloy ang PNP sa pagpapatupad ng mga programa kontra kriminalidad sa bansa upang mabigyan ng maayos na pamumuhay ang ating mamamayan tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Emelou Pedroso