Nagsagawa ang mga tauhan ng Tabaco City Police Station ng programang tinawag na Pitik at Gupit sa Pagbabalik Eskwela na ginanap sa San Lorenzo National High School, Tabaco City, Albay.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni PEMS Raul Buella, sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Jorge C Meneses III, Officer-In-Charge, kasama sina Gng. Haidee B Bercacio, OIC ng SLNHS at Gng. Maria Salome L Butial, SSLG Adviser.
Layunin ng aktibidad na ito na tulungan at salubungin ang mga estudyante sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng gupit at iba pang serbisyo.

Bukod sa libreng gupit, nagsagawa rin ang mga tauhan ng talakayan sa pag-iwas sa krimen at pamamahagi ng IEC material sa mga magulang, estudyante, at tauhan ng paaralan.