Bilang pag-alala sa National World Day Against Child Labor, matagumpay na isinagawa ang feeding program at gift-giving sa mga identified recipients ng Child Labor sa bayan ng Solana, Cagayan, nito lamang ika-3 ng Hulyo 2024.
Ang aktibidad ay may temang “End Child Labour” na pinangunahan ni PMaj Nieves Meña, hepe ng Regional Investigation and Detection Management Unit, katuwang ang Department of Social Worker and Development na may proyektong SHIELD o Strategic Helpdesks for Information, Education, Livelihood and other Developmental Interventions.

Bukod sa feeding program at gift-giving ay namigay din ang grupo ng tsinelas sa mga naging kalahok.
Layunin ng programa na protektahan ang karapatan ng mga bata, tiyakin ang kanilang edukasyon, itaas ang kamalayan tungkol sa masamang epekto ng child labor, at patatagin ang mga batas laban dito.
Source: Solana Police Station
Panulat ni PCpl Kelvin Paul Juan