Arestado sa manhunt operation ng mga awtoridad ang itinuturing na Top 6 Most Wanted Person sa Municipal Level sa kasong Statutory Rape sa Barangay Sabang, Lipa City, Batangas nito lamang ika-2 ng Hulyo 2024.
Kinilala ni PLtCol Rix Supremo Villareal, Chief of Police ng Lipa Component City Police Station, ang suspek na si alyas “Nick”, 29 taong gulang, tubong Lubao, Pampanga at residente ng Sabang, Lipa City.
Bandang 1:09 ng hapon nang ikinasa ang operasyon ng Lipa CCPS (lead unit) kasama ang Bacoor MPS, Pampanga PPO, na nagresulta sa pagkakahuli sa suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang piyansa.
Ang ating kapulisan ay patuloy na ginagampanan ang layunin na maprotektahan ang bawat mamamayan, lalong-lalo na ang mga kabataan at kababaihan, mula sa anumang uri ng kriminalidad.
Source: Lipa CCPS
Panulat ni Pat Maria Sarah P Bernales