Tuluyan nang winakasan ang pakikibaka at nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Underground Mass Organization sa himpilan ng 804th Maneuver Company (MC), Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 8 sa Barangay Urdaneta, Lavezares, Northern Samar, nito lamang ika-2 ng Hulyo 2024.
Kinilala ni Police Captain Mark Mhon T Amistoso, Officer-In-Charge ng nasabing istasyon ang nagbalik-loob na si alyas “Iki”, 24 anyos, at residente ng Barangay Pasabuena, Victoria, Northern Samar at miyembro ng Kabataan Alliance (Victoria Chapter).
Ang matagumpay na pagbabalik-loob nito ay resulta ng patuloy na panawagan at pakikipagnegosasyon ng mga tauhan ng 804th MC, RMFB 8 kasama ang Area Police Command Visayas, 1st Northern Samar Police Mobile Force Company, Lavezares Municipal Police Station, Provincial Intelligence Team Northern Samar, Regional Intelligence Unit 8 at Northern Samar PHPT-RHPU8.
Ang nagbalik-loob ay nasa kustodiya ng 804th MC, RMFB 8 para sa dokumentasyon bago sumailalim sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o Local and Social Integration Program.
Muling hinimok ng PNP ang iba pang mga miyembro at tagasuporta ng CTGs na iwaksi ang maling ideolohiya at magbalik-loob sa pamahalaan upang makasama ang kanilang mga mahal sa buhay at mamuhay ng mapayapa.
Panulat ni Patrolwoman Marielle Dulnuan