Nagpatayo ang Reader’s Nook ang mga tauhan ng 2nd Maneuver Platoon, 1st Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company bilang parte ng kanilang dediskayon at paglilingkod sa komunidad sa Barangay Nagsabaran, Diadi, Nueva Vizcaya noong ika-30 ng Hunyo 2024.

Pinangunahan ang aktibidad ni Police Captain Daryl G Marquez, Platoon Leader ng Nueva Vizcaya PMFC katuwang ang ilang residente ng nasabing barangay sa pagpapatayo ng Reader’s Nook para sa mga Day Care pupils na magtataguyod ng karungan at pagmamahal sa pagbabasa sa mga kabataan.
Layunin ng proyektong ito na makapagbigay ng positibong epekto na sumasagisag sa pagtutulungan ng bawat isa sa paglikha ng isang kapuri-puring halimbawa ng serbisyo sa makabuluhang hakbang tungo sa pagbabago ng lipunan.

Ang inisyatibang ito ng 2nd Maneuver Platoon ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon upang mapabuti ang kalidad ng buhay ng nasabing barangay at mapaunlad ang mga residente nito para sa nagkakaisang Pilipino tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: NVPMFC PPO
Panulat ni Pat Donnabele Galang