Saturday, October 5, 2024

Pamilya ng Pulis PNP Family Day, ipinagdiwang ng PRO 9

Labis ang tuwa ng mga miyembro ng Police Regional Office 9 nang ipagdiwang ang Pamilya ng Pulis PNP Family Day kasama ang kani-kanilang pamilya sa Camp Col Romeo A Abendan, Mercedez, Zamboanga City nito lamang ika-27 ng Hunyo 2024.

Ang Pamilya ng Pulis Family Day ay ginanap upang higit na pagtibayin ang pakikipagkapwa-tao, mapalakas at mapaghusay sa pangkalahatang kapakanan ng mga tauhan ng PNP at kanilang mga pamilya sa buong bansa.

Nagsimula ang selebrasyon sa isang maikling programa na sinundan ng ribbon cutting na pinangunahan ni PBGen Bowenn Joey M Masauding, Regional Director ng Police Regional Office 9 sa booth area na sumimbolo sa pagsisimula ng nasabing aktibidad.

Samantala, naghatid din ng serbisyo ang mga kapulisan mula sa ibat ibang unit gaya ng Legal Counselling, Islamic counselling, Drug Test, Authentication of documents at marami pang iba. 

Kabilang sa mga serbisyo na inihanda sa pagdiriwang ay ang pagpoproseso ng Retirements and Benefits, License to Own and Possess Firearms, gayundin ang pagproseso para sa renewal ng Driver’s License.

Bukod pa dito, meron ding inihandang libreng pagkain gaya ng popcorn, ice cream at cotton candies para sa mga chikiting gayundin para sa mga kapulisan.

Tampok din sa selebrasyon ang mga palaro at iba pang kapana-panabik na aktibidad para sa mga bata at mga tauhan ng PNP upang gawing mas masaya ang karanasan sa isinagawang pagdiriwang.

Matagumpay na naisagawa ang PNP Family Day na nagdulot ng labis na kasiyahan sa bawat pamilya ng kapulisan sa isang araw na kaganapan.

Panulat ni Pat AJ Cortes

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,270SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles