Nagsagawa ng Clean-up Drive ang mga tauhan ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company sa Barangay 08 Poblacion, Casiguran, Aurora nito lamang Linggo, ika-27 ng Hunyo 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Cielo L Caligtan, Force Commander ng Aurora 2nd PMFC kasama ang Casiguran Municipal Police Station, Women Sector Community, MCR-Office, KKDAT Members, Force Multiplers, at iba pang Advocacy Support Group, BPATs, Barangay Officials at mga Sangguniang Kabataan ng nasabing barangay.

Ito ay isang halimbawa ng positibong hakbang tungo sa pagpapatibay ng ugnayan at pagkakaisa sa pagitan ng kapulisan at mamamayan na panatilihin ang kalinisan at pangangalaga ng kapaligiran para sa mas maunlad na pamayanan.
Source: Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company
Panulat ni Patrolwoman Marimar J Junio