Arestado ang isang delivery rider na may kasong Rape matapos itong maaresto ng Pugo PNP bandang 10:15 ng umaga sa Barangay Poblacion East, Pugo, La Union nito lamang ika-25 ng Hunyo 2024.
Kinilala ni Police Major Lester C Tannagan, Officer-In-Charge ng Pugo PNP, ang suspek na si James Amasan y Agliem, 24 taong gulang, delivery rider, at residente ng Barangay Saytan, Pugo, La Union.
Ayon kay Police Major Tannagan, nahaharap ang suspek sa kasong Rape na walang rekomendadong piyansa.
Samantala, nangangako naman ang Pugo PNP na patuloy nilang gagampanan ang kanilang tungkulin at sinisigurado nila na walang makakalusot sa batas upang mapanatiling ligtas at malayo sa kapahamakan ang mamamayan tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: Pugo Municipal Police Station
Panulat ni Patrolman Viljon Comilang