Camp Crame, Quezon City (February 1, 2022) – Malugod na tinanggap ng mga tauhan ng PNP Museum sa pangunguna ni PCol Vivencia Ocampo at Dr. Liz Villaseñor kasama sina PMGen Ma.O Aplasca (Ret), PCol Elmar B Sillador (Ret), at ang sampung (10) SAF trooper na nakaligtas sa nangyaring engkwentro sa Mamasapano noong January 25, 2015 sa pangunguna ni PLtCol Rix Villarreal.
Bago ang paglibot sa PNP Museum, isa-isa munang nagpakilala at ibinahagi ang kanilang aktwal na partisipasyon sa nangyaring engkwentro, kasunod nito ay ang tour proper na pinangunahan ni Dr. Villaseñor. Ipinaliwanag nito sa mga bisita ang bawat detalye ng artifact na nakikita sa loob ng museo lalung lalo na ang bahagi ng SAF 44 corner kung saan nakalagay ang mga mukha at gamit ng mga ito.
Bilang bahagi ng paglilibot, isang maikling palabas ang inihanda kung saan tampok dito ang mga mukha ng ating mga magigiting na bayani.
Pagkahabag at simpatya para sa kanilang mga kasamahan na nagbuwis ng buhay ang makikita sa mga mata ng mga bisita habang pinapanood ang nasabing palabas na tila kahapon lamang nangyari kahit na pitong taon na ang nakalilipas.
Samantala, personal namang nag donate sa PNP Museum ang isang Kevlar helmet na personal na ginamit ng isa sa mga survivors. Ang helmet ay may tama ng bala sa kaliwang bahagi. Dahilan ito kung bakit nagkaroon din ng injury ang donor sa kaliwang bahagi ng ulo habang ito ay suot suot nya sa araw ng OPLAN Exodus armed encounter.
Sa huling bahagi ng kanilang pagbisita, isa-isa nilang ibinahagi ang mga nangyari bago at matapos ang makasaysayang engkwentro sa Mamasapano.
####
Panulat ni Police Corporal January Atencio
Godbless PNP