Arestado ang isang Regional Most Wanted Person sa isinagawang manhunt operation ng Cabuyao PNP sa Barangay Butong, Cabuyao City, Laguna nito lamang ika- 18 ng Hunyo 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel John Eric B Antonio, Hepe ng Cabuyao Component City Police Station, ang suspek na si alyas “Brianne”, residente ng Cabuyao City, Laguna.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang piyansa bandang 8:15 ng gabi sa nasabing barangay.
Ang Laguna PNP ay patuloy sa masigasig nitong operasyon sa pagtugis sa mga kriminal upang tiyak na mapanagot ito sa batas at mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima nito.
Source: Laguna Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Angelica Rica S Teng