Nakumpiska sa isang construction worker ang Php204,000 halaga ng ilegal na droga sa isinagawang drug buy-bust operation ng City Drug Enforcement Unit 6 sa Barangay Jalandoni Estate Lapuz, Iloilo City noong Hunyo 18, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Nick Gallego, Team Leader ng CDEU6 ang suspek na si alyas Adjen, 27 anyos at residente ng Barangay Jalandoni Estate Lapuz, Iloilo City.
Ayon kay PLt Gallego, nabilhan si alyas Adien gamit ang Php7,000 buy-bust money ng isang plastik na sachet ng hinihinalang shabu.
Narekober din sa suspek sa kanyang pitaka ang karagdagang 13 plastik na sachets ng hinihinalang shabu, buy-bust money, cellphone, at pera.
Samantala, ang nakumpiskang ilegal ng droga ay nagkakahalaga ng Php204,000 na tumitimbang ng humigit kumulang 30 gramo.
Patuloy ang dedikasyon ng kapulisan sa Western Visayas sa pagsugpo ng ilegal na droga sa Rehiyon upang mapanatili ang seguridad ng mamamayan tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Julius Sam Accad