Natukoy ng Rizal PNP ang pulis sa viral video na naglabas ng kanyang baril sa isang away trapiko sa kahabaan ng E. Rodriguez Avenue, Teresa, Rizal nito lamang ika-16 ng Hunyo 2024.
Ayon sa kumalat na video, ang pulis na naglabas ng kanyang baril ay kinilalang si Patrolman Janus Caezar P Moralde, aktibong miyembro ng Intelligent Section ng Morong Municipal Police Station, naka-tsinelas, walang side mirror at walang plate number ang dalang motorsiklo.
Bandang 1:20 ng hapon, nagkaroon ng gitgitan at alitan sa trapiko sina Pat Moralde at ang drayber ng truck na siyang nag-udlot kay Pat Moralde na agad naglabas ng kanyang baril.
Kumalat ang video na agad namang ipina-imbestigahan ni Police Colonel Felipe B Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, sa hepe ng Morong MPS para malaman kung ano talaga ang dahilan at tunay na nagyari.
Sa kasalukuyan, si Pat Moralde ay nasa kustodiya na ng Morong MPS at kinumpiska ang kanyang baril para sa tamang disposisyon at nahaharap sa kasong administratibo at para alamin kung may driver’s license at nakarehistro ang motorsiklo.
Ang Rizal PNP ay hindi palalampasin ang mga maling gawain ng kanyang kapulisan at titiyaking bibigyan ng kaukulang parusa ang sinumang lumabag sa batas.
Samantala, nanawagan ang Rizal PNP na ang nagrereklamo at nag-upload ng video ay huwag matakot at mag-atubiling lumapit sa istasyon para maipaliwanag ang kanyang panig sa mismong nangyari.