Kalaboso ang isang drug watchlist High Value Individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit at nakumpiska ang tinatayang Php360,400 halaga ng shabu nito lamang Martes, Hunyo 18, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Leon Victor Z Rosete, District Director ng Southern Police District, ang naarestong suspek na si alyas “Joel”, 52 anyos.
Nadakip ng mga awtoridad bandang 11:40 ng gabi si alyas “Joel” sa kanyang tirahan sa Barangay New Lower Bicutan, Taguig City.
Nakumpiska sa operasyon ang walong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 53 gramo at may street value na Php360,400, isang pirasong Php500 bill, anim na piraso ng Php1,000 na boodle money, at isang green pouch.
Inihahanda na ang reklamo para sa paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa suspek.
Puspusan naman ang Southern Police District sa pagsagawa ng mga operasyon laban sa ilegal na droga upang masiguro ang kapayapaan at kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan.
Source: Southern Police District PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos